Alaskahan sa Las Vegas
Mar 30 2008
Las Vegas, NV USA
(Photos by Sue Villarba-Delossantos & Tonie Sese)
Use the navigation controls to browse the pictures (Note: auto play works best with a high-speed connection)
Fellow Batchmates,
Huli man daw at magaling......HULI PA RIN!!! As they say, "WHATEVER HAPPENED IN LAS VEGAS.....NEVER REALLY HAPPENED!" Tama ba, Angel DJ?
A month has passed since the reunion in Las Vegas but I am still overwhelmed with the turnout of events. So far, this is the best USA Batch '82 homecoming. The group was able to raise US$1,100.00 for their own scholar, incoming senior Master Angelo Patimo and I heard there were more pledges up for collection.For the first time, there were raffle prizes during the event itself. Prizes were kitchen bowl accessories, rice cooker, slow cooker, laptop cooling pad, HP webcam, 2 units of digital 7" photo frame and the grand prize is a Bose noise reduction headphone.
This homecoming will not be successful without the active participation of the following who have shared their time, talent and treasure to our batch:
Mr. Birthday Boy........
Giovi Zamora, thank you for sharing your suite room for the venue. Kaso hindi pwedeng gawin slaughterhouse ang kwarto mo at yari tayo kay Leila niyan! You've got wonderful kids, Marco and Ashley. Thanks for the limo experience........
From the East Coast........
Homer Resureccion, hindi nagbabago hitsura mo!!! Thank you for spending some time together with your wife, Lani and daughter, Kongkong. I am impressed with your daughter that she speaks Pilipino very well. It is too bad that you have limited time and you were not able to join the raffle event. Hope to see you again........soon!
From the cultural, entertainment and financial capital of Canada........
Angel Morales, tama ba ang bansag sa Toronto? Baka kasi umangal ang mga taga-Vancouver niyan. Reuniting with the batch means long travelling hours coupled with stop-overs, crossing time zones, costly overhead, and most of all, how to ask permission from the CEO, wifey!!! I am glad you made it!!! Hindi bale, may pasalubong naman kaya abswelto ka niyan. I know that aside from the experience along the Vegas strip, you have added new words to your vocabulary. Magagamit mo iyan sa pangaraw-araw na buhay. Medyo kinabahan ako nung sinabi mong glue ako........akala ko kung ano'ng klaseng glue iyun!
From Cali........(bahala na kayo magdugtong)
Tito Salvador, laging maaasahan anumang oras! Akala ko nga ang grand prize ay ang Corvette mo........iniisip ko na nga paano ko mapapalusot sa customs ang sasakyan na iyan. Kaso tumaas na namang muli ang gaso, kaya next time na lang ulit. Sayang at hindi na tayo nagkitang muli at hindi na umabot ang iyung munting pasalubong para kay Elmer Lagman. Next time dagdagan mo para pasalubong mo na rin sa mga batiboys at kung anu-anong ka-Intsikan ang mga iniinom ng mga damuho!
Tony Sese, ulirang asawa, ulirang ama!!! P're, ang ganda agad ng intro ko sa iyo hah........alam ko naman kasi si Honey ang bumabasa agad ng e-mail mo! Kaya hindi ko na dadagdagan pa ang sasabihin ko. Less talk, less mistake........
Sa mga Chukchak boys........
Jun Martinez, bilib ako sa iyo at talagang humabol ka kahit gabing-gabi ka na dumating. mas lalong nakakabilib kasi meron ka pang lakas para abutin ng umaga sa pakikipagkwentu........han sa ating mga kasamahan sa tagal ng iyung pagmamaneho. kunsabay, nakakaalis talaga ng pagod kapag........nakita mo ang kaibigan mula nung tayo ay mga bata pa. saglit lang, bata pa rin naman tayo ah!
Dingdong Tumang, maligayang pagbabalik sa ating samahan! may kasabihan, "once a lourdesian, always a lourdesian." magsabi ka lang kung uuwi ka ng pinas at ang mga batiboys ay malugod kang dadalhin sa mga bagong tanawin ng maynila. pati ang ninong ng mga beyonders ang bahala sa iyo para maging kaaya-aya ang iyung bakasyon.
Sa mga hindi nakarating pero may mga pahabol........
Mike Nietes, kailan ka ba tumanggi? sa susunod ay sana maka-sidetrip sa colorado ng makita naman ang kalikasan sa lugar na iyan. it was nice talking to you over the phone. abisuhan mo lang ako pagpunta mo ng pinas sa disyembre. naka, may mare-recruit na naman ang mga batiboys para maging beyonder!
Dennis Baltazar, dalawang beses ka ng hindi sumipot pero hindi mo nakakaligtaan ang pakimkim para sa pondo natin. kayo naman ang gumawa sa east coast ng magkaroon naman ako ng dahilan makapunta riyan. ang hirap kasi magpaalam na las vegas lagi ang punta at baka hindi na ako paniwalaan. saka gusto ko rin makakita ng snow........snowcone!
Sa mga malugod na bisita ng samahan........
Gng. Cora Fajardo-Kelley, wala akong masabi at kahit kailan ay hindi mo kami binigo. hindi ko akalain pati ang aming mga guro ay mag-ambag para sa magandang adhikain ng samahan. sayang po at hindi tayo nagkatugma ng oras para makilala mo ang aking pamilya ayon sa inyong hiling. sa susunod pong pagkakataon at mahirap po talaga pagdating sa pamilya........magastos para dalhin lagi!
Gng. Marie Pangilinan, nakakabilib din po kayo at alam namin "last minute" lang kayo nasabihan pero nagawa niyo pong makapunta. maaasahan po namin kayong muli sa susunod na pagkakataon.
Gng. Cely Mendoza-Funtila, ang nars ng paaralan. sa taong 1982 pala kayo umalis ng paaralan at kasabay namin kaya pwede kayong makisabay sa amin sa mga pagtitipon. may mga bagay sa pagtitipon ng aming samahan na minsan ay magdudulot ng hindi mo inaasahan. kumbaga, DIVINE PROVIDENCE! God really moves in mysterious ways...
Robert Tiangco ng Batch '80, huwag kang mag-atubili makisalo at makigulo tuwing may "reunion" ang grupo. bahala na ang ninong mo sa iyo! ipagpatuloy mo ang iyung napakagandang adhikain at maaasahan mo ang buong samahan ng ating paaralan na maski paano ay makatulong sa iyo.
Sa mga taga-Las Vegas.......
Noel Cariño, ang batang be......; oooppppsss, minsan pala mga anak mo ang nagbabasa! hindi na ako magpapasalamat kasi maraming beses pa tayo magkikita. lagi mo binubuksan ang iyung tahanan sa amin........kaya sa susunod mag-iwan ka ng pwedeng pitikin na gamit. hanggang sa muli at salamat kay Joy at sa mga anak mong sila Sam and Dani. hinihintay ka pala ng ninong mo!
Jojo Caimol, ang killer ng mga geriatric! parang masakit sa tenga pakinggan.......naka, kung sakaling tumakbo ka sa konseho, marami kang botanteng pasyente. pasensiya na sa iyung pamilya at pati oras mo sa kanila ay sa samahan mo binigay. pwede namang maulit ang handaan sa iyung tahanan at makikigulo kami. ikinagagalak kong makilala ang iyung misis na si Carissa at ang mga supling na sina Candice, Joshua at Crisanne. aabangan ko ang ang pag-uwi mo ng pinas sa darating na disyembre o enero. potential beyonder recruit ka at matutuwa si ninong niyan.
Angel de Jesus, or simply Angel DJ, ang ka-chika ng bayan! napakaraming salamat sa pagtanggap mo sa amin sa iyung tahanan lalo na pagkatapos ng pagtitipon. sinabit ko pa pamilya ko para makitira sa iyo. iba ka at mas lalo mo pinasaya ang samahan! nawa'y makumbinsi ang iba pa nating kasamahan na magpakita at sumali sa tuwing may pagtitipon para lalong mas masaya! bahala na si papa jojo sa iyo!
At higit sa lahat ang Kumite de Festejos........
Manny Salonga, matagal na tayong magkasama at hanggang ngayon ay maaasahan ka pa rin! pero sa tutoo lang, ngayon mo lang ako binigyan ng malupit na kaba sa las vegas. sige, tagay pa! salamat at nilibot mo pamilya ko sa cali. naging tourist guide ka ng di oras. kita-kits muli kahit walang reunion. may plano na ba sa thanksgiving?
Susan Villarba-Delossantos, iyan daw ang tamang spelling ng pangalan niya! the rose among the thorns o baka baliktad! naka, talagang pinangatawanan mo na ang samahan sa US of A and you are doing one hell of a job! tama lang ang working partnership niyo ni manny para lalong mabuhay na matatag ang samahan diyan. ang sabi ng karamihan may asim ka pa raw........kaso sobrang ASIM!!! naliligo ka naman ah! sana huwag kang magsawa sa pagtulong at maaasahan ka talaga. walang iyakan at baka may tumulo! wa poise.........
Those who attended last year's reunion definitely missed a lot of things but don't worry since this would be an unending reunion in preparation for our 30th year. We really hope that a lof of those based abroad can be around that time.
And to Toti Esguerra whom I met in Hong Kong (ngayon ko lang nalaman na kapitbahay ko na pala siya), we can arrange our own reunion (Gweilos on the Loose o kaya Pangyaw: Camping in Mui Woi) the next time I go back together with Rommel San Diego and hopefully Darwin del Rosario and Sonny Ang. Iyung mga taga-Pinas ay pwedeng sumali at mabilis lang ang biyahe.
Reality check - I am back to the asphalt jungle and humid heat of Manila........it is nice TO BE BACK HOME!!!